Pinakakasuhan na ng Office of the Ombudsman si dating Maguindanao Representative Simeon Datumanong at pitong iba pa.
Ito ay kaugnay sa maanomalyang pagpili ni Datumanong sa non-government organization na magiging partner sa paggamit ng 3.8 million pesos pork barrel fund nito.
Ang naturang pondo ay para sana sa National Commission on Muslim Filipinos at gagamitin para pondohan ang livelihood programs katulad ng paggawa ng sabon, kandila at meat processing sa mga munisipalidad ng Mamasapano, Ampatuan at Datu Abdullah Sanki.
Kasama ni Datumanong sa kaso ang mga opisyal ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na sina Commissioner Mehol Sadain, Fedelina Aldanese, Aurora Aragon-Mabang, Olga Galido, Queenie Rodriguez, Galay Makalinggan at Gracita Cecilia Mascenon-Sales ng NGO na Maharlika Lipi Foundation, Inc. (MLFI).
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)