Hinatulang makulong ng Sandiganbayan mula 6 hanggang 10 taon si dating Lemery, Batangas Mayor Raul Bendaña.
KAUGNAY ito sa kasong graft na isinampa laban kay Bendaña sa maanomalyang kontrata hinggil sa computerization ng tax system sa kanilang bayan.
Ayon sa 4th division ng Anti-Graft Court, kinatigan ng dating alkalde ang kumpaniyang MLR Solution para magsuplay ng automation nang hindi dumaraan sa tamang bidding.
Bukod pa rito ang kawalang sertipikasyon mula sa municipal treasurer at hindi rin suportado ng isang ordinansa mula sa sangguniang bayan.
By Jaymark Dagala | With report from Jill Resontoc