Inaresto ng mga awtoridad ang dating lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Rodoldo Salas dahil sa pag-iingat ng mga armas at bala.
Batay sa ulat ng pulisya, nadakip si Salas sa Pampanga kaninang umaga sa bisa ng ipinalabas na warrant of arrest ng Manila Regional Trial Court Branch 32 dahil sa kasong murder.
Gayunman, nadiskubre ng pulisya ang pag-aari nitong kalibre .45 baril at mga bala.
Magugunitang nadakip si Salas alias “Ka Bilog” noong 1986 at nabigyan ng amnestiya ni dating pangulong Fidel V. Ramos noong 1992.