Naghain ng not guilty plea sa kasong graft si dating L.R.T.A. Administrator Melquiades Robles kaugnay sa maanomalya umanong 12.8 Million Peso maintenance at janitorial contract noong 2009.
Personal na dumalo si Robles sa itinakdang arraignment sa Sandiganbayan Fifth Division, kahapon.
Nagpatuloy ang pagbasa ng sakdal kahit una ng napatunayan ng anti-graft court na walang merito sa motion for judicial determination of probable cause ni Robles sa kanyang kaso.
Iginiit ni Robles na walang probable cause upang idiin siya ng Korte sa kasong Graft hinggil sa umano’y maanomalyang venture contract ng gobyerno sa Comm Builders and Technology Philippines, PMP Incorporated at Gradski Soabracaj Gras.
By: Drew Nacino / Jill Resontoc
Dating LRTA Admin Robles naghain ng Not guilty plea sa Sandiganbayan was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882