Hinimok ni dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Winston Ginez ang ahensya na pakinggan ang hinain ng mga Uber at Grab user sa gitna ng crackdown ng gobyerno laban sa mga ride-sharing service.
Ayon kay Ginez, di hamak naman na mas ligtas at komportable ang pagsakay sa mga Transport Network Vehicle Service tulad ng Grab at Uber sa panahong pinu-putakte ng matinding traffic ang Metro Manila at ilang karatig lugar.
Ipinaliwanag ni Ginez na ipinatupad sa panahon niya bilang LTFRB Chairman ang Memorandum Circular na nagpapahintulot at nagre-regulate sa operasyon ng mga T.N.V.S. bilang common carrier.
Sa halip anya na papuri dahil sa magandang resulta at epekto sa mga mananakay ng operasyon ng mga T.N.V.S. bilang “game-changing reform” sa transport industry, pawang mga kaso at reklamo ang natanggap ng Grab at Uber.
By: Drew Nacino
Dating LTFRB Chair Ginez hinimok ang ahensya na pakingan ang mga Uber at Grab users was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882