“It only looks good on paper.”
Ito ang opinyon ni dating Land Transportation Office (LTO) Chief Bert Suansing at ngayo’y Secretary General ng Philippine Global Road Safety Partnership kaugnay sa panukalang pagpapatupad ng modified odd-even scheme sa EDSA ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority.
Sa panayam ng programang “Ratsada Balita”, sinabi ni Suansing na posibleng magdulot ng kalituhan sa mga motorista ang nasabing panukala kung hindi maipaliwanag ng maayos.
“Like for example, numbers ang pinag-uusapan natin, we don’t have the exact idea kung ilan ang odd at even na tumatakbo sa ating kalsada dito sa Metro Manila. Although ang layunin ng MMDA ay mabawasan ang mga sasakyan na tumatakbo sa kahabaan ng EDSA at expected nila iiksi yung travel time, as I’ve said it looks good on paper pero actual hindi natin alam.” Ani Suansing
Aniya sa ngayon pa lang ay katakot-takot na pagtutol na ang natanggap ng nasabing number coding scheme.
“Well siguro pag-aralan muna nang mabuti, minsan malayo kasi sa reality eh. Ang key is kailangang bantayan ang kalsada, may magbabantay para maging maayos ang traffic, alisin ang mga balakid sa kalsada.” Dagdag ni Suansing
Binigyang diin ni Suansing na ang susi sa pag-resolba ng problema sa traffic sa Metro Manila ay nasa matinong enforcement pa rin.
“Kung kahabaan ng EDSA ang pag-uusapan natin yung first three lanes lang sana ang magkaroon ng sanity, ma-maintain mo yan, aayos ang daloy ng traffic diyan. Ang nagiging problema kasi is behavior ng drivers, from 5 lanes nagiging 3 lanes, sa puntong kumikitid nagkakarambola ang mga sasakyan diyan, hirap ngayong mag-proceed lalo kung hindi marunong mag-merging ang mga driver, talagang nababalang ang daloy ng trapiko.” Dagdag ni Suansing
Sa huli sinabi ni Suansing na panahon para gumamit na ng mga makabagong teknolohiya upang solusyunan ang problema sa trapiko sa bansa at mamonitor ang maayos na pagpapatupad ng mga batas sa kalsada.
By Aiza Rendon | Ratsada Balita (Interview)