Nakadidismaya, nakapanlulumo at nakakatakot na pangyayari.
Ganito inilarawan ni dating Maguindanao Governor at esmael “Toto” Mangudadatu ang naganap na tensyon sa pagitan ng kanyang hipag na si Pandag Acting Mayor Zihan Mangudadatu at pinsang si Maguindanao Del Sur Governor Mariam Sangki-Mangudadatu.
Ayon sa dating kongresista, hindi nila inakalang ganito ang ipapakita at gagawin ng kasalukuyang gobernador ng lalawigan sa harap ng publiko at ng kanyang mga nasasakupan.
Nag-viral pa sa social media ang video ng aktuwal na insidente na kuha mismo kahapon kung saan nakitang hinablot ni Sangki-Mangudadatu ang cellphone ni Zihan, maybahay ng kasalukuyang mayor na si Mayor Khadafeh Mangudadatu.
Tinangka rin anya ng gobernadora na sampalin at paluin ng cellphone si Vice Mayor Zihan sa harap mismo ng maraming tao.
Idinagdag pa ng dating gobernador na pinagpapalo pa ang mga tao, bodyguards, mga kakampi ng bise alkalde at mga councilors nito.
Nag-ugat ang komosyon nang ideklara ng regional Trial Court Branch 15 noong October 14 si dating Maguindanao Administrator Mohajeran “Odjie” Balayman na nanalong mayor ng Pandag sa May 9 elections.