Nahaharap sa panibagong asunto sa Sandiganbayan ang isa sa mga pangunahing akusado sa 2009 Maguindanao Massacre.
Kinasuhan ng Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Maguindanao Governor Sajid Ampatuan dahil sa umano’y maanomalyang transaksyon noong siya pa ay nanunungkulan bilang gobernador.
Lumalabas na nakipagsabwatan si Ampatuan para makabili ang provincial government ng samu’t saring food supplies mula sa Henry Merchandising na nagkakahalaga ng mahigit 16 Milyong Piso.
Si Sajid Ampatuan, anak ng yumaong si Andal Ampatuan Sr. ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Malversation of Public Funds, at 34 counts ng Falsification of Public Documents.
By: Meann Tanbio