Humiling sa Sandiganbayan si dating Makati Mayor Elenita Binay na makapaglakbay.
Sa kanyang motion to travel na inihain sa Sandiganbayan 5th Division, sinabi ni Binay na nais niyang makapagbakasyon sa Japan mula Abril 1 hanggang 8.
Tiniyak ni Binay na tatalima siya sa requirements ng Sandiganbayan tulad ng pagbabayad ng P30,000.00 travel bond.
By Avee Devierte |With Report from Jill Resontoc