Muling ipinababasura ni dating Makati Mayor Junjun Binay ang mga kasong graft at malversation na isinampa laban sa kanya.
Kaugnay ito ng umano’y maanomalyang pagpapatayo ng mahigit dalawang milyong pisong (P2-M) halaga ng ikalawang gusali ng Makati City Hall.
Sa kanyang inihaing petisyon sa Sandiganbayan 3rd Division, iginiit ng nakababatang Binay na batay sa mga nakalagay sa information sheet ng kanyang kaso, walang malinaw na uri ng paglabag ang mga alegasyon laban sa kanya.
Katwiran ni Binay, hindi siya dapat sampahan ng kasong malversation dahil hindi niya kontrolado o hawak ang pondo para sa nasabing proyekto.
Nabigo din aniya ang Office of the Ombudsman na maglabas ng ebidensya na nakipagsabwatan siya sa kanyang amang si dating Vice President Jejomar Binay para ibulsa ang pondo para sa konstrukyon ng gusali ng Makati City Hall.
Samantala, nakatakda namang basahan ng sakdal ang mag-amang Binay sa Enero 12.