Pinaghihinay-hinay ni dating Malaysian Deputy Prime Minister Anwar Ibrahim ang Pilipinas sa pagpasok sa mga kwestyonableng loan agreement sa ibang bansa.
Ito’y makaraang kanselahin ni Malaysian Prime Minister Mahatir Mohamad ang multi-billion dollar project na popondohan sana ng China dahil sa pangambang mabaon sa utang ang Malaysia.
Sa isang business forum sa Makati City, inihayag ni Anwar na tila isang patibong ang naglalakihang pautang ng China na ikinukunsiderang makabagong kolonyalismo.
Dapat aniyang maging transparent sa usapin ng loan agreement at hindi lamang dapat sa china magkaroon ng kasunduan ang isang bansa.
Binalaan din ni Anwar ang Pilipinas na maaaring maging susunod na biktima ng sinasabing “debt trap diplomacy” ng China kung saan nagkakaloob ang ng “friendly” loans sa mababang interest subalit may malaki namang kapalit.