Guilty ang hatol ng korte kay dating Malaysian Prime Minister Najib Razak sa lahat ng pitong corruption charges laban dito kaugnay sa pagkakasangkot sa multi-billion dollar scandal gamit ang pera ng gobyerno sa One Malaysia Development Berhad.
Ayon kay Kuala Lumpur High Court Judge Mohamad Nazlan Mohamad Ghazali napatunayan ng prosecution beyond reasonable doubt ang pagkakasangkot ni Najib sa corruption charges matapos nilang makunsider ang lahat ng mga ebidensya sa panahon ng paglilitis.
Si Najib ay nahaharap sa pitong kaso ng criminal breach of trust, money laundering at abuse of power dahil sa umano’y iligal na pagtanggap ng halos 10-milyong dolyar mula sa dating 1MDB unit na SRC International.
Malalaking piyansa ang pagkakakulong ng 15 hanggang 20 taon ang parusa sa kada kasong kinakaharap ni Najib na i-a -apela ang naturang desisyon ng federal court.
Ang nasabing kaso ay itinuturing na landmark case na tinitingnan bilang test o pagsubok sa kampanya ng gobyerno na labanan ang korupsyon at maaaring magkaruon ng malaking political effect sa Malaysia.