Nalinis sa kasong katiwalian si dating Malimono, Surigao del Norte Mayor Clemente Sandigan Jr. may kaugnayan sa Pork Barrel Fund Scam.
Sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan Second Division, nabigo ang prosekusyon na patunayan na ibinulsa ni Sandigan ang 700,000 Pisong PDAF ni late Senator Robert Barbers noong 2004.
Batay sa reklamo, tumanggap ng pera ang Municipal Government ng Malimono para ilaan sa limang proyekto, kabilang na ang konstruksyon ng multi-purpose building sa barangay Masgad; pagtatayo ng day care center sa barangay Hanagdong at barangay hall sa barangay Pili; pagpapasemento sa bahagi ng barangay Karihatag at pagre-repair ng Hanagdong Elementary School.
Pero, lumalabas na ginamit ang naturang salapi sa rehabilitasyon ng farm-to-market road na napinsala ng flashflood noong December 2003.
By: Meann Tanbio
SMW: RPE