Bumagsak na rin sa kamay ng batas ang dating mambabatas at lider ng kulto na si Ruben Ecleo Jr.
Batay sa impormasyon mula sa pnp NCRPO, ilang buwan na ring sinusubaybayan ng otoridad si Ecleo bago ito tuluyang naaresto sa Pampanga.
Si Ecleo ay lider ng Philippine Benevolent Missionaries Association na nakabase sa dinagat island.
Sentensyado itong makulong ng habangbuhay dahil sa pagpatay sa asawang si Alona Bacolod Ecleo nuong 2002 .
Dalawang milyong pisong (P2-M) pabuya ang naghihintay sa sinumang nakapagbigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkaka dakip kay Ecleo.