Hinihintay pa ang kumpirmasyon mula sa malakaniyang hinggil sa balitang pagkakatalaga umano kay dating Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.
Ito’y makaraang kumalat sa social media ang balita na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Abalos bilang chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Unang nakita ang impormasyon sa post ng Facebook account na laking mandaluyong Incorporated – S.E.C. registered subalit tikom naman dito ang pamahalaang lungsod o maging ang MMDA.
Magugunitang pumanaw si dating MMDA Chairman Danilo Lim dulot ng cardiac arrest ilang linggo matapos na magpositibo ito sa COVID-19.