Sigurado na ang muling pagtakbo sa 2016 elections ni dating Manila Mayor Alfredo Lim.
Kinumirma ito ni Ric de Guzman, dating Chief of Staff ng dating alkalde.
Sinabi ni de Guzman na nais ni Lim na maibalik ang libreng serbisyo nila na nawala sa mga Manilenio mula nang maupo si ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.
Target din aniya ibalik ni Lim ang sapat na suporta sa mga public schools sa lungsod.
Maugong na rin ang pagtakbo sa pagka-alkalde sa Maynila nina Erap at Congressman Amado Bagatsing.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)