Umanib na si dating Manila Mayor at Senator Alfredo Lim sa ruling party na PDP-Laban ni Pangulong Rodrigo Duterte, indikasyon ng kanyang pagsabak sa mayoralty race sa susunod na taon.
Ayon kay lim, noon pang Pebrero siya lumipat ng partido mula sa Liberal Party at nanumpa kay PDP-President at dating Senate President koko pimentel.
Gayunman, hindi ito nangangahulugan na si Lim na ang standard-bearer ng PDP-Laban sa Maynila para sa mayoralty race sa 2019 midterm elections.
Isa si Lim sa pinaka-masugid na taga-suporta ni dating Pangulong Corazon Aquino gaya ni Pangulong Duterte ay kilala rin sa kanyang matinding anti-crime campaign.