Pumanaw na si dating Manila Rep. Mario Batacan Crespo o mas kilala bilang Mark Jimenez sa edad na 70.
Batay sa inilabas na pahayag ng pamilya ni Jimenez, sumakabilang buhay ang dating mambabatas sanhi ng atake sa puso.
Nakatakdang dalhin ang labi ni Jimenez sa Funeraria Rey sa Pandacan, Maynila sa Abril 27 at 28 saka dadalhin sa Heritage Memorial Park sa Taguig sa Abril 29 hanggang Abril 30.
Nagsilbi si Jimenez bilang Presidential Adviser on Latin American Countries sa ilalim ng administrasyong Estrada nuong 1998 at nagsilbi ring kinatawan ng ika-anim na distrito ng Maynila mula 2001 hanggang 2003.
Sinasabing si Jimenez ang isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ni dating Pangulo ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc