Pumanaw na sa edad na 36 ang dating manlalaro ng Philippine Basketball Association na si Eric Suguitan.
Ito ang kinumpirma ng koponang NLEX Road Warriors kung saan, naging bahagi si Suguitan sa unang tatlong D-League ng NLEX mula 2011 hanggang 2012 season.
Nasawi si Suguitan sa loob ng kanilang bahay sa Cauayan City, Isabela.
Matatandaang taong 2015 nang sumailalim sa operasyon si Suguitan matapos magkaroon ng komplikasyon sa puso. — sa panulat ni Angelica Doctolero