Kinumpirma ni Pangulong Duterte na pinayagan niyang makipag negosasyon sa Maute Group ang dating Alkalde ng Marawi City na nasa kanyang narco list.
Ayon sa Pangulo, nagpadala ng text message sa kanya si dating Marawi City Mayor Omar Solitario Ali na nagsabing mas mapapakinabangan ito kung papayagang tumulong sa gobyerno kaysa ilagay sa bilangguan.
Sumang-ayon anya rito si Presidential Peace Adviser Secretary Jesus Dureza pero hindi si Defense Secretary Delfin Lorenzna.
Isa si Solitario sa ipinaaaresto ng Dept. of National Defense sa ilalim ng Martial Law dahil sa ugnayan umano nito sa Maute Group.
Sa mga unang linggo ng giyera, may narekober na 10 Milyong Pisong halaga ng shabu sa bahay ni Solitario sa Marawi.