Isa pang libel case ang nakatakdang isampa laban kay dating Iglesia ni Cristo Minister Lowell Menorca ll.
Ang kasong libel ay nag-ugat sa alegasyon ni Menorca na hit squad ng INC ang grupong SCAN o Society of Communicators and Networkers.
Sa pagkakataong ito, ang magsasampa ng kaso ay ang chapter ng SCAN sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay SCAN President Ariel Higuit, nais nilang linisin ang kanilang pangalan na nabahiran ng dungis dahil sa mga alegasyon ni Menorca.
Una nang naghain ng kasong libel laban kay Menorca ang SCAN sa San Jose City Nueva Ecija.
Binigyang diin ng SCAN na ang kanilang grupo ang disaster response group ng INC.
Una nang ibinunyag ni Menorca na illegal syang ikinulong ng INC kasama ang kanyang pamilya.
By Len Aguirre