Patay ang isang dating pulis at dating miyembro ng Presidential Security Group makaraang pagbabarilin sa Santa Ana, Maynila.
Kinilala ng Manila Police District ang biktimang si dating Staff Sergeant Gilbert Fabro.
Nakunan pa sa CCTV footage ang pagpasok ni Fabro sa driver’s side ng isang puting van sa tapat ng isang restaurant sa Tejeron Street, Barangay 783.
Kasama ng biktima ang kaibigang kinilala sa alyas “Sky,” na dati ring pulis at ilang saglit lamang ay isang delivery truck ang pumarada sa tabi ng puting van na sinakyan ni Fabro.
Dito na sumulpot ang isang lalaking nakasuot ng capat bumaril sa biktima, na naisugod pa sa Santa Ana Hospital pero idineklarang dead on arrival.
Narekober naman sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng Caliber 45.
Batay sa imbestigasyon, nakatanggap ang biktima ng mga banta matapos umano siyang akusahan na sangkot sa mga iligal na aktibidad habang nasa serbisyo.
Napilitan umanong mag-absent without leave si Fabro noong 2019 dahil sa mga death threat. —sa panulat ni Drew Nacino