Inaayos na ni dating MMA Champion Ronda Rousey ang paglipat nito sa WWE.
Ayon sa kampo ni Rousey, may inisyal nang negosasyon na nagaganap para sa nasabing paglipat.
Gayunman, nilinaw nitong hindi pa sila pumipirma ng kontrata sa WWE bagkus ay pinag-aaralan pa nila ang nakapaloob sa kontrata.
Sa ngayon, bukod sa pagsasanay, abala din si Rousey sa ginagawang pelikula nito na “Mile 22” kasama si Mark Wahlberg.
—-