Tinanggap na ni former Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman at UniTeam campaign manager na si Benjamin Abalos Jr. ang alok na maging head ng Department of the Interior and Local Government Unit (DILG).
Ito ang inanunsyo ni Attorney Vic Rodriguez, Spokersperson ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Tungkulin ng DILG na tumulong sa Pangulo ng bansa sa general supervision ng mga lokal na pamahalaan.
Matatandaang si Abalos ay dating alkalde sa lungsod ng Mandaluyong.