Nagpiyansa si dating MRT 3 General Manager Al Vitangcol matapos itong ipaaresto dahil sa kasong graft.
Kahapon sa Sandiganbayan, naglagak ng 60,000 Piso si Vitangcol para sa Two (2) counts of graft dahil sa umano’y tangkang pangingikil sa Czech Company na inekon kapalit ng mga kontrata sa MRT.
Binatikos ni Vitangcol ang Ombudsman dahil sa aniya’y may pinipiling parusahan ito.
Kaduda-duda, aniya, ang panahon ng pagsasampa ng kaso ng Ombudsman laban sa kanya dahil pormal lamang siyang kinasuhan matapos lumabas ang kanyang sinulat sa dyaryo tungkol sa umano’y mga anomalya sa Department of Transportation and Communication.
Nasa ilalim noon ang DOTC sa pangangasiwa ni Secretary Jun Abaya na dating acting President ng Liberal Party.
By: Avee Devierte