Hinatulan ng 17 taong pagkakakulong sa Korte ang dating Myanmar Leader na si Aung San Suu Kyi dahil sa kasong korapsiyon.
Si Suu Kyi ay nahaharap sa apat na bilang ng kasong korapsiyon makaraang ihatol sakaniya ang guilty verdict dahil sa mga kasong katiwalian at election violations.
Napatunayan rin ng Miltary-run Court ng Myanmar na nagkasala ang pinatalsik na lider sa maling paggamit ng pondo ng kanilang bansa para sa kawanggawa at ‘discounted’ na pagpapaupa sa mga lupain ng gobyerno.
Samantala, iginiit ni Suu Kyi na walang katotohanan ang mga paratang ng mga tao laban sa kanya.
Sa ngayon, nakakulong sa solong selda sa isang piitan sa Naypyitaw si Suu Kyi.