Pumanaw na si dating NBA-All Star Player Eddie Johnson sa edad na 65.
Ayon sa mga prison officials, namatay ang dating manlalaro sa loob ng kanyang selda pero hindi nito sinabi kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng manlalaro.
Si johnson ay mas kilala bilang si ‘Fast Eddie’ na naging manlalaro ng atlanta hawks mula 1977 hanggang 1986, at 2 beses ding naging bahagi ng nba all star mula 1980 hanggang 1981.
Matapos mamayapag ang kanyang career, nasangkot si Johnson sa iba’t-ibang krimen gaya ng cocaine possession, kaya’t pinatawan siya ng NBA ng lifetime ban noong 1987.
Noong 2006, hinatulan ng panghabambuhay na pagkakakulong si Johnson dahil naman sa panghahalay sa isang 8 taong gulang na babae.