Binansagang “GodMother” ng National Center for Mental Health (NCMH) ang dating Chief Administrative Officer nitong si Clarita Avila.
Ito’y ayon kay NCMH Director Dr. Roland Cortez ay dahil sa tila pagmamatigas ni Avila na huwag lisanin ang naging tahanan nito sa loob ng Ospital sa Mandaluyong kahit inatasan na siya ng Department of Health (DOH) na bakantehin na iyon.
Magugunitang pinadalhan ng liham ng DOH si Avila kaugnay sa order of reassignment para rito sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Las Piñas City.
Nitong Marso, inireklamo ni Dr. Cortez si Avila sa Office of the Ombudsman dahil umano sa patumpatong na paglabag tulad ng GRAFT, MALVERSATION, NEPOTISM, FALCIFICATION of PUBLIC DOCUMENTS at SERIOUS DISHONESTY.
Nag-ugat ang lahat ng ito nang ipasok ni Avila ang malalapit niyang ka-anak sa NCMH nuong siya pa ang Chairperson ng Selection and Promotions Board lalong lalo na ang kaniyang mga Anak na labag sa alituntunin ng Civil Service Commission o CSC.
Ayon kay Dr. Cortez, nagsinungaling din si Avila sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN nang hindi nito ideklara ang pagkaka-ugnay ng anak nitong si Angel bilang isa sa mga incorporatior ng OCTANT BUILDERS na kumontrata ng 14 Infrastructure Projects sa NCMH kahit pa empleyado ito ng nasabing ospital at nagkakahalaga ng 168 Million Pesos.
Sangkot din umano si Avila ayon kay Dr. Cortez sa anomalya sa Land Development Project ng NCMH na nagkakahalaga naman ng mahigit 320 Million Pesos kung saan, inilipat iyon sa iba pang proyekto.
Maliban dito, hinikayat din umano ni Avila ang mga pinasok nito sa NCMH na i-petisyon si Dr. Cortez para makabalik sa East Avenue Medical Center at malibing na sa limot ang mga isinampa nitong kaso laban sa kaniya.