Pinakakasuhan ng Ombudsman si dating Negros Oriental Congressman Herminio Teves dahil sa anomalya umano sa paggamit nito ng kaniyang PDAF nuong 2007.
Ito ay matapos makakita ng probable cause ang Ombudsman para kasuhan si Teves nang paglabag sa anti graft and corrupt practices act at malversation of public funds.
Ayon sa mga hawak na dokumento ng Ombudsman pawang napunta sa ghost projects ni Teves ang Sampung Milyong Pisong PDAF nito na dapat ay para umano sa livelihood projects ng mahihirap na barangay na kaniyang nasasakupan o sa ikatlong distrito ng Negros Oriental.