Humingi ng paumanhin si Resigned National Irrigation Administrator Peter Laviña kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan nito.
Sa isang text message ni Laviña, humihingi ito ng sorry sa punong ehekutibo dahil naapektuhan ng intriga ang kampanya ng administrasyon laban sa korapsiyon at katiwalian.
Iginiit ng dating campaign spokesman ng Pangulo na wala siyang ginawang masama para sirain ang adhikain ng Presidente na i-reporma ang pamahalaan.
Matatandaang nagbitiw ni Laviña bilang nia administrator matapos umanong humingi ng pabor sa mga contractor na mahigpit nitong itinanggi at iginiit na sinisiraan lamang siya sa Presidente.
By: Jelbert Perdez / Aileen Taliping