Nahaharap sa Lima hanggang Sampung Taong pagkakabilanggo ang dating opisyal ng Egypt gayundin ang dalawang anak nito.
Ito’y makaraang hatulan ng korte sa Cairo si dating Information Minister Safwat El Sharif dahil sa kasong katiwalian.
Batay sa inilabas na desisyon ng korte, umabuso umano sa kapangyarihan si El Sharif nang ibulsa nito ang pondo ng bayan na nagkakahalaga ng mahigit Dalawandaan at Siyam na Milyong Egyptian Ponds o katumbas ng Dalawamput Apat na Milyong Dolyar.
Maliban kay El Sharif, dawit din sa hatol ang anak nito na sina Ashraf at Ihab na nakinabang umano sa pang-aabuso ng kanilang ama.
Una rito, nanilbihan bilang Information Minister si El Sharif at nagsilbi ring speaker ng parliamento sa upper chamber.
By: Jaymark Dagala