Sinampahan ng patong – patong na kaso si dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Vice President Estela Ramos dahil umano sa pag – diver sa 120.24-million-peso fund ng ahensya sa isang anti-illegal drugs foundation.
Inilipat ang pondo upang mapalakas ang tiyansa ng naturang foundation na makakuha ng congressional seat noong May 2010 Elections.
Inihain ang six counts of violation ng Republic Act 3019 o Anti – Graft and Corrupt Practices Act at anim pang counts ng Malversation of Public Funds sa ilalim ng Revised Penal Code ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan noong Agosto 25 laban kay Ramos.
Ayon sa Ombudsman, nilagdaan ni Ramos noong 2005, 2006 at 2008 ang ilang check vouchers na nagkakahalaga ng 50 million pesos bilang donasyon o sponsorships para sa iba’t ibang event ng Batang Iwas Droga Foundation o BIDA.
Ang nasabing halaga ay hindi ‘unwarranted’ dahilan upang magkaroon ng utang ang PAGCOR.
_____