Hiniling ng Ombudsman sa Sandiganbayan na ibalik sa piitan si dating Palawan Governor Joel Reyes kaugnay sa kanyang kasong graft bunsod ng umano’y maanomalyang renewal ng ‘small scale mining permits’.
Batay sa tatlong (3) pahinang omnibus motion na isumite sa 3rd Division ng Anti-Graft Court, inihirit ng prosekusyon na kanselahin ang piyansa ni Reyes at agad na ibalik sa detention facility.
Agosto noong isang taon nang hatulan si Reyes ng Sandiganbayan na walong (8) taon na pagkakakulong kaugnay sa umano’y maanomalyang pagbibigay nito ng mining permit sa Olympic Mines and Development Corporation noong 2006.
Una ng pinayagan ng Korte ang dating gobernador na makapag-piyansa ng P60,000.00 sa kabila ng pagtutol ng Ombudsman at prosekusyon.
Nito lamang Enero 5 ay pinalaya si Reyes ng Court of Appeals (CA) kaugnay naman sa pagkakasangkot nito sa pagpatay sa brodkaster at environmentalist na si Doctor Gerry Ortega noong 2011.
SolGen: May sapat na ‘ground’ para ituloy ang ‘judicial inquiry’ vs Reyes
Nagbanta si Solicitor General Jose Calida na ipaaresto niya muli si dating Palawan Governor Joel Reyes matapos absuweltuhin ng Court of Appeals (CA) sa kinahaharap na kasong murder kaugnay ng pagkamatay ng kaster at environmentalist na si Doctor Gerry Ortega.
Giit ni Calida, may sapat na ‘ground’ o batayan para ipagpatuloy ang ‘judicial inquiry’ sa kinahaharap na kaso ni Reyes.
Dagdag pa ni Calida, hindi niya kukunsintihin ang naging hakbang ng CA at kanyang paiimbestigahan ang naging desisyon nito na palayain ang itinuturong mastermind sa Ortega murder case.
Nakahanda din umano si Calida na iakyat sa Korte Suprema ang kaso ng pagkamatay ni Dr. Ortega.