Hiniling ni dating Palawan Governor Joel Reyes sa Court of Appeals na ipa-cite for indirect contempt si Presidential Spokesman Harry Roque.
Sa labindalawang pahinang petisyong inihain sa C.A. noong Enero a-diyes, ipinunto Ni reyes na dapat lamang ipa-cite for indirect contempt si Roque dahil sa hindi makatuwiran nitong pag-atake na layuning sirain ang pagiging independent at competent ng korte.
Bagaman personal anya ang mga opinyon ni Roque bilang isang dating abogado ng pamilya ng biktimang si Doctor Gerry Ortega, posible namang magkaroon ng impluwensya sa publiko maging sa mga korte ang kanyang mga batikos.
Iginiit din ni Reyes na ang pagtawag ni Roque na kalapastanganan sa katarungan ang desisyon ng C.A. na palayain siya ay tila pahiwatig na nagpasya sa kaso ang korte para sa mga konsiderasyon at hindi para sa katarungan.