Hinatulan ng Sandiganbayan 3rd division si dating Palawan Governor Joel Reyes ng anim hanggang walong taon na pagkakakulong.
Ito ay matapos na mapatunayang guilty si Reyes sa kasong graft dahil sa maanomalyang pag-rerenew nito ng small scale permits.
Batay sa desisyon ng Sandiganbayan, si Reyes ay lumabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act matapos bigyan ng panibagong permit ang kumpanyang Olympic Mines and Development Corporation kahit pa naabot na nito ang limitasyon sa pagmimina na pinapayagan ng batas.
Bukod sa pagkakakulong ay hindi na rin papayagan si Reyes na manungkulan sa kanit anung posisyon sa pamahalaan.
Samantala, napawalang sala naman ng Sandiganbayan ang kasamahan ni Reyes na si Palawan Provincial Government Mining Operations Officer Adronico Baguyo matapos na mabigo ang prosekusyon na patunayang guilty ito sa kaso.