Inabswelto na ng Sandiganbayan 5th Division si dating Palawan Governor Joel Reyes sa kanyang kasong graft kaugnay sa multi-milyong pisong fertilizer fund scam.
Ito ay matapos niyang igiiit ang kanyang karapatan para sa mabilis na paglilitis kaugnay sa kaso, na inabot ng labing dalawang (12) taon para maihain.
Una nang pinagbigyan ng korte ang motion to quash na inihain ng kanyang mga kasama sa kaso na sina Department of Agriculture Regional Technical Director Rodoldo Guieb at Regional Executive Director Dennis Araullo dahil din sa parehong dahilan.
Kaugnay nito, nanindigan ang Sandiganbayan 5th Division sa pag-abswelto kay Reyes sa kasong graft.
Ayon kay Sandiganbayan Associate Justice Rafael Lagos, na nagdesisyon sa graft case, nagtagal ng tinatayang labindalawang (12) taon bago ihain ang kaso sa Anti-Graft Court.
Isinampa anya ang kaso sa Office of the Ombudsman noong 2004 at September 14, 2016 lamang inihain sa Sandiganbayan o nagkaroon ng labindalawang (12) taong delay.
Ipinaliwanag ni Lagos na nilabag ng Ombudsman ang probisyon ng article 3, section 16 ng Saligang Batas o speedy disposition of cases.
Nilabag din ng tanod bayan ang karapatan ng akusado sa ilalim ng Article 3, Section 16 kaya’t nabasura ang kaso.
By Katrina Valle | Drew Nacino / with report from Jill Resontoc (Patrol 7)
Dating Palawan Governor Joel Reyes inabswelto sa kasong graft was last modified: May 9th, 2017 by DWIZ 882