Nakalabas na ng piitan nitong Biyernes, Enero 6, si dating Palawan Governor Joel Reyes makaraang pagtibayin ng Court of Appeals (CA) ang kanyang petisyon na kumukwestyon sa merito ng kanyang kaso bilang akusado sa pagpatay sa Environmentalist at Journalist na si Dr. Gerry Ortega.
Ayon kay Atty. Demetrio Custodio, lead counsel ni Reyes, 5:45 ng hapon nang makalaya mula sa Puerto Princesa City Jail ang kanyang kliyente.
Batay anIya sa ruling ng CA, walang batayan ang Palawan Regional Trial Court (RTC) na ipagpatuloy ang paglilitis sa kaso ng dating gobyernador at mali din ang ginawang pagpa-file ng kaso ng RTC.
Enero 2011 nang pagbabarilin ng isang hired gunman si Ortega at ang itinurong mastermind ang noo’y Gobernador ng Palawan na si Reyes at kanyang kapatid na si dating Coron Mayor Mario Reyes.
Gayunman, nakalaya si Mario makaraang payagang makapag-piyansa noong 2016.