Dinepensahan ni Senator Ronald Dela Rosa si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa killing remarks nito laban sa 15 incumbent Senators.
Ayon sa Senador, walang maituturing na kaso kung wala namang complainant.
Wala rin aniya sa mga Senador na binirong papatayin ang naghain ng reklamo dahil wala namang pinangalanan sa mga ito.
Sinabi pa ni Senador Dela Rosa na kung talagang totoong papatay ang dating Pangulo, hindi ito mag-aanunsyo sa national TV.
Idinagdag pa ng Senador na kung siya ang PNP Chief, pagsasabihan niya ang CIDG na huwag nang magsampa ng reklamo, gayunman kung sa tingin ng CIDG ay tungkulin nilang gawin ito, hindi naman aniya ito haharangin. – Sa panulat ni Laica Cuevas