Iginiit ni dating Pangulong Noynoy Aquino na walang probable cause para siya ay kasuhan kaugnay ng kontrobersiyal na DAP o Disbursement Acceleration Program.
Binigyang diin ni Aquino na ginampanan lamang niya ang core executive functions niya bilang Pangulo at hindi niya sinapawan ang kapangyarihan ng kongreso.
Bukod dito, wala niyang dahilan para sya ay kasuhan ng technical malversation dahil wala naman siyang direktang kustodiya sa kaban ng bayan.
Dahil hindi naman aniya maituturing na direktang paggasta ang paglalabas ng budget circulars at memoranda.
Sinabi pa ni Aquino na hindi rin sya dapat na makasuhan ng graft dahil ipinatupad niya ang DAP sa paglalayong mapabilis ang mga infrastructure spending para makatulong sa ekonomiya ng bansa.
Una rito ay ipinahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang planong muling buksan ang imbestigasyon ng DAP at PDAF o Priority Development Assistance Fund.
By Rianne Briones