Patay ang dating pangulo ng supreme court ng Guatemala matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Kinilala ang biktima na si Jose Arturo Sierra, pitumpu’t dalawang (72) taong gulang na nanungkulan mula 2013 hanggang 2014.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, binaril si Sierra ng dalawang lalaki habang ito ay nagmamaneho.
Mariin namang kinondena ng Corte Suprema De Justicia De Guatemala ang pamamaslang kay Sierra at nadagdagan na naman anila ang nangyayaring malawakang karahasan na laganap ngayon sa Guatemala.