Naglabas ng isang international arrest notice ang Tunisia laban sa dati nitong pangulo na si Moncef Marzouki.
Gayunman, hindi binanggit ng TAP state news agency kung ano ang kasong kinakaharap ng dating lider.
Noong nakaraang buwan ay ipinag-utos ni Tunisian President Kais Saied sa justice ministry na imbestigahan ang pitumpu’t anim na taong gulang na dating lider kasunod ng panawagan nito sa France na huwag suportahan ang kasalukuyang rehimen.
Giit naman ni Marzouki, hindi na niya ikinagulat ang pagpapalabas ng arrest warrant laban sa kanya at tinawag pa niya itong na isang uri ng paninindak sa lahat ng mga Tunisians.