Sinampahan ng panibagong kasong plunder sa tanggapan ng Ombudsman si dating Pangulong Noynoy Aquino at 20 iba pang dating opisyal kaugnay sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
Pinangunahan ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at ng grupong Citizens Crime Watch ang pagsasampa ng kaso.
Iginiit ng mga ito na masyadong minadali ang pagbili sa bakuna at pagpapatupad ng mass vaccination.
Kabilang sa mga inihaing kaso ang plunder, malversation of public funds at paglabag sa Section 3-E ng R.A. 3019.
Maliban kay Aquino, kinasuhan din sina dating Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., dating DOJ Secretary Janette Garin, at Budget Secretary Florencio Abad.
Ito na ang ika-limang reklamong may kaugnayan sa Dengvaxia na isinampa laban kay Aquino.
–AR