Binuweltahan ng Malakaniyang ang dating Pangulong Noynoy Aquino matapos nitong kuwestyunin ang kawalan ng tiwala ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo para hawakan ang mga classified information kaugnay sa drug war ng administrasyon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa halip na pakialaman ni Aquino ang problema sa drug war mas mabuting tutukan nito ang problema sa kaniyang kalusugan at ang kasong kinakaharap sa Sandiganbayan.
Ayon kay Panelo hindi naman binigyan ng atensyon ni Aquino ang problema sa illegal drugs sa 6 na taong termino nito bilan pangulo ng bansa at kung kailan lumala ang problema sa iligal na droga.