Buong pusong tinanggap ng West Triangle Community sa Quezon City si dating Pangulong Noynoy Aquino
Ang dating Pangulo ay dumiretso sa kaniyang bahay Sa times st. matapos ang send off ceremony sa kaniya sa Malakaniyang
Isang programa ang idinaraos sa Barangay West Triangle para sa dating Pangulo na inalala ang kaniyang mga dating ginagawa bago maging Pangulo ng bansa na ngayoy magagawa na aniya niya muli matapos bumaba sa puwesto
Kabilang dito ang pamamalengke ng dating Pangulo kasama ang kaniyang bodyguard
Ang dating Pangulo ay sinamahan din ng ilan sa mga miyembro ng kaniyang gabinete tulad nina dating Education Secretary Brother Armin Luistro, Budget Secretary Butch Abad at DOTC Secretary Jun Abaya
Una nang ipinakita ng west Triangle Homeowners Association ang kanilang excitement sa pagbabalik sa komunidad ni Aquino sa pamamagitan nang pagsasabit ng mga tarpaulin na nagwel welcome sa dating Pangulo gayundin ang mga yellow ribbons na itinali sa mga puno sa paligid
By: Judith Larino