Hindi makararating si dating Pangulong Benigno Aquino III sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara de Representates sa Lunes, Hulyo 25.
Ito, ayon kay House Deputy Secretary-General Artemio Adasa ay kahit kabilang si Aquino sa 3,000 pinadalhan ng imbitasyon.
Dahil sa pagliban anya ni Aquino sa SONA, maiiwasan ang posibilidad na magkatabi sila sa upuan ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Arroyo.
Bukod kay Aquino, imbitado rin ang mga dating pangulo na sina Fidel Ramos at Manila Mayor Joseph Estrada na magkatabi rin sa upuan.
By Drew Nacino