Nakatakdang maghain ng apela ang kampo ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa Ombudsman matapos irekomenda nito ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya kaugnay sa malagim na Mamasapano massacre noong 2015.
Sa panayam ng pahayagang Philippine Star kay Aquino, inamin nito na nabahala siya sa naging hakbang na ito ng Ombudsman ngunit naging ugali na niyang paghandaan ang worst case scenario.
Aminado rin ang dating Pangulo na hindi magiging madali para sa kanila ang sitwasyon lalo pa’t ito ang kauna-unahang pagkakataon na masasampahan siya ng kaso.
Gayunman, umaasa si Ginoong Aquino na mananaig din ang katotohanan at mapatutunayang wala siyang pagkakasala sa malagim na trahedya na ikinasawi ng apatnapu’t apat (44) na SAF o Special Action Force commandos.
By Jaymark Dagala
Dating Pangulong Aquino iaapela ang kaso sa Mamasapano was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882