Dadalo di umano si dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagdinig ng House of Representatives sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Congressman Johnny Pimentel, Chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, nagpasabi na sa kanila ang dating pangulo na dadalo siya sa pagdinig.
Sa Lunes, Pebrero 26 ang ika-lima at posibleng huling pagdinig na ng komite ni Pimentel sa Dengvaxia controversy.
Sinabi ni Pimentel na nais nilang malaman mismo kay Aquino kung siya ang nagbigay ng awtorisasyon para sa realignment ng savings ng kanyang administrasyon para magamit sa pagbili ng Dengvaxia.
—-