Nakatanggap di umano ng P90-M ang dating Pangulong Noynoy Aquino mula sa tinaguriang PDAF scam queen na si Janet Napoles.
Ibinunyag ni Pastor Boy Saycon, isang civil society leader na ginamit ito ng dating Pangulo sa pagtakbo niya sa eleksyon noong 2010.
Gayunman, batay anya sa mga dokumento na isinumite na niya sa Department of Justice (DOJ), hindi inilagay ni Aquino sa kanyang SOCE o Statement of Contributions and Expenditures na isinumite sa Commission on Elections (COMELEC) ang kontribusyon ni Napoles.
Maliban kay Aquino, labing isang (11) mambabatas pa ang di umano’y nakatanggap rin ng campaign contribution mula kay Napoles kabilang dito si Senador Antonio Trillanes.
Saycon ipinaubaya na kay Aguirre ang isinumiteng dokumento nito
Tumangging magsalita si Civil Society Group Leader Pastor Boy Saycon kung kabilang si dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga nakinabang sa mga anomalya na kinasasangkutan din ni Janet Lim Napoles mula 2010 hanggang 2016
Base na rin ito sa isinumiteng dokumento ni Saycon kay justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Sinabi sa DWIZ ni Saycon na bahala na si Aguirre na ilantad sa publiko kung sinu-sino sa mga naging bahagi ng Aquino administration ang talagang nakinabang kay Napoles kapalit ng pabor.
PAKINGGAN: Si Civil Society Group Leader Pastor Boy Saycon sa panayam ng DWIZ
By Len Aguirre / Judith Larino