Nag-iwan ng huling bilin sa sambayanan si dating Pangulong Rodrigo Duterte na suportahan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa dating pangulo, dapat ay tulungan ng publiko sa pamamagitan ng pag-suporta ang mga bagong opisyal sa pagsisimula ng kanilang tungkulin sa gobyerno.
Samantala, ipinagmalaki naman ni dating Pangulong Duterte ang kanyang mga gabinete at binigyang diin na hindi siya nagkamali sa pagpili sa mga ito.