Itinuturing ni presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na isang bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa kanyang talumpati sa Ilocos Norte, sinabi ni Duterte na maraming proyekto si Marcos na pinakikinabangan pa rin ng mga Pilipino hanggang ngayon.
Dahil dito, sinabi ni Duterte na sakaling mahalal siya bilang pangulo ng bansa ay ipapahimlay niya sa Libingan ng mga Bayani si Marcos.
Iginiit naman ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na bagama’t running mate ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ang kanyang kapatid na si Senador Bongbong Marcos ay ‘welcome’ ang lahat sa kanilang lalawigan.
By Jelbert Perdez